Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 sa kulto nasagip

0 52

Naisalba na ang tatlumpu’t anim sa 50 miyembro ng isang kulto na matagal nang nananatili sa kagubatan sa Arakan, North Cotabato.

Bago na-rescue ay tatlo na sa grupo ang nasawi, ayon na rin kay Arakan Mayor Rene Rubino.
Napaulat na ang 50 indibidwal ay kasapi ng isang kulto na umano’y maliligtas ng isang “Niño,” ang apo ni Leonardo Capillan.
Si Capillan ay 61-anyos na magsasaka na kinumbinsi ang kanyang mga kapanalig na samahan siyang mamalagi sa gubat sa Barangay Libertad. Yumao siya noong Enero 31.
Kinabukasan, Pebrero 1, nasawi rin ang 32-anyos na anak ni Capillan na si Bernardo, at ang 18-anyos na kapanalig na si Ailyn Magali.
Noong Martes, pinuntahan ni Rubino at ng mga health frontliner ang gubat upang kumbinsihin ang grupo na umalis na sa lugar, at upang irekober ang tatlong labi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bigo pang makuha ang mga bangkay dahil ang mga ito ay naaagnas na. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.