Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 tulak na Caviteno nalambat

0 282

SA kasagsagan ng ipinapairal ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) patuloy ang transaksiyon ng droga sa probinsiya ng Cavite kung saan umabot sa tatlumpu’t-anim na mga drug pushers ang nalambat sa isinagawang magdamangang buy bust operation.

Sa datos ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), nanguna ang Imus City sa dami ng naaresto na may 6, pumangalawa ang General Mariano Alvarez (GMA) na 4; sumunod ang Kawit, Dasmarinas City at Bacoor City na tig-3; tig-2 naman ang Maragondon, Alfonso, Carmona, at Gen Trias City habang tig-isa naman ang Tanza, Rosario, Cavite City, Noveleta, Silang, Magallanes, Amadeo, Naic at Mendez.

Isinagawa ang buy bust operation sa pagitan ng alas-2:30 kamakalawa ng hapon hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling araw.

Ang 36 na naaresto mula sa limang siyudad at 13 bayan ay kasalukuyang nakakulong sa kanya-kanyang custodial centers habang inihahanda ang isasampang kaso. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.