Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 tulak timbog sa Cavite

0 277

Sa kabila ng mga pinaiiral na protocol ngayong pandemya, tuloy ang transaksyon ng iligal na droga sa Cavite makaraang matimbog ang 36 na tulak, at makakuha pa ng higit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust sa probinsya.

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-12:30 kamakalawa ng hapon hanggang alas-4:40 kahapon ng madaling-araw. Batay sa datos, nanguna ang Bacoor City kung saan 16 na pawang mga tulak ang inaresto, kasunod ang Imus City na may 10 hinuli, tig-3 naman sa Rosario at GMA at tig-2 sa Tagaytay City at Gen Trias City, pawang sa Cavite.

Isa sa mga suspek ay nahuli makaraang sitahin dahil sa paglabag sa curfew, alas-2:30 kahapon ng madaling araw sa Aragon St., Panapaan 1 Bacoor City. Nang tinanong ito tungkol sa hawak niyang helmet ay hindi ito sumunod sa mga awtoridad at sinigawan pa ang mga ito. Dito na ininspeksyon ang hawak dala niya at tumambad ang tinatayang tinatayang 50 gramo ng shabu na may street value na P325,000.

Inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa mga naarestong suspek na kasalukuyang nakakulong sa Cavite Custodial Center. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.