Abante Tonite
Mabilis sa Balita

370K COVID case papalo sa Setyembre – UP expert

0 108

Posible umanong umabot sa 350,000 hanggang 370,000 ang bilang ng COVID19 positive sa bansa hanggang sa Setyembre 30,2020.

Ito ay base sa pinakabagong projection na ginawa ng.mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP)

Sa kanilang inilabas na forecast report noong Agosto 27,sinabi ng UP-OCTA research team na sa kanilang projection ,ang kabuuang bilang ng kaso ay 330,000 para sa mababang estimate, 350,000 kung “median,” at 375,000 kung “upper.”

Ayon sa mga researchers na ang reproduction number ng COVID-19 at ang bilang ng mga bagong kaso kada araw ay bumaba ngayon papalapit na ang pagtatapos ng buwan ng Agostonkung saan nasa 1.03 pero ang ideyal ay dapat na mas mababa sa 1. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.