Abante Tonite
Mabilis sa Balita

37K vaccine slot bubuksan sa QC

0 74

Pinaghahandaan ngayon ng Quezon City govern­ment ang pagbubukas ng 37,000 online slot para sa kanilang one-day COVID-19 vaccination drive na gaganapin sa Huwebes, Setyembre 23.

Nagsimula ang online booking alas-6:00, Martes ng umaga, gamit ang QC Vax Easy Plus system na kung saan makapipili ang mga magpapabakunang residente ng kanilang oras at lugar kung saan nais na magpabakuna.

SM food to go Banner Ad

“We hope that through this modification, we can re­duce the number of defaulters or individuals who have been given slots by the city but don’t show up at the site because the time and date assigned to them doesn’t suit their schedule,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Kasalukuyang nasa three million doses na ng ba­kuna ang nagamit ng QC LGU para sa first at second doses. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.