Abante Tonite
Mabilis sa Balita

38 MIAA worker positibo

0 228

Binuksan na Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 4 para dito gawin ang free rapid testing para sa mga empleado ng Manila International Airport authority (MIAA), makaraang magpositibo ang 38 kawani nito.

Simula noong Marso 2020 ay napaulat na may 57 COVID positive employees na kinabilangan ng permanenteng empleyado at mga service provider ng paliparan at 19 nito ay gumaling na at nakabalik na sa kanilang trabaho.

Kahapon nagsagawa ang MIAA ng free rapid testing sa kanilang mga empleyado. Sa unang araw ng testing umabot sa 294 ang sumailalim sa rapid testing at 283 nito ang nag-negative habang 11 ang nag-positive na kaagad sumalang sa confirmatory RT-PCR test.

Bilang pagsunod sa protocol ang 11 empleyado ay sinabihang mag-report sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at sumailalim sa home quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang PCR test.

Ang free rapid testing ay ginawa sa check-in area ng NAIA terminal 4 na kasalukuyang sarado pa sa domestic operation. Ang tatlong passenger terminal ay bukas na sa flight operations. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.