Abante Tonite Interactive

38 patay na pawikan, pangolin nasabat sa Palawan

365

Nasa 17 patay na pawikan at 21 patay na pangolin ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Palawan mula sa isang driver ng truck kahapon.

Ayon sa report, wala nang kaliskis ang mga pangolin habang tinanggalan naman ng laman at nilagyan ng formalin ang mga pawikan nang matagpuan ito ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa loob ng truck na minamaneho ng ‘di pinangalanan na suspek.

Ayon sa suspek, napag-utusan lamang siya na dalhin ang mga hayop mula sa bayan ng Roxas papunta sa lungsod.
Nakumpiskahan ng kalibre .38 revolver na walang lisensya ang driver.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Phi­lippine Wildlife Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.