Abante Tonite
Mabilis sa Balita

39 pasaway sa face mask pinag-zombie walk

0 208

Bilang parusa ay pinaglakad na parang zombie ang may 39 residente na lumabag sa COVID-19 health protocol sa Silay City, Negros Occidental.

Sa ulat sinabi ni Police Major Rollie Pondevilla, Silay Police chief, na nagmartsa nang nakataas ang mga braso at kamay ng mga violator mula presinto hanggang covered court upang masunod ang isang metrong distansya nila bawat isa.

Nahuli umano ang mga ito na walang suot na mga face mask sa pampublikong lugar, na paglabag sa City Ordinance No. 3, Series of 2020.

Ibinahagi ang video nito sa social media page ng Silay Police at nag-viral.

Matapos paglakarin na parang zombie ay nagsagawa ng seminar sa covered court habang nasa harap ng mga violator ang isang kabaong upang paalalahanan na nakamamatay ang COVID-19.

Nitong Peb. 4, may 11 na aktibong kaso ng COVID sa Silay.

SM food to go Banner Ad

Sakaling muling mahuli ay sasampahan na ng kaso ang mga ito. (Kiko Cueto/IS)

Silay Police binoldyak ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nasabing `Zombie walk,’ sabay paalala sa Silay police na isa itong “cruel and inhuman” na parusa.

Ayon kay CHR spokeswoman Jacqueline de Guia, karapat-dapat na bigyan pa rin ng respeto at dignidad ng mga lumalabag sa health rules.

“We continuously remind law enforcers to adhere to human rights-based policing, including respect for every person’s dignity,” giit ni De Guia sa inilabas na statement nitong Sabado. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.