3K AFP medical reservist ikakasa sa COVID frontline

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-mobilize ang higit sa 3,000 ng kanilang mga reservist para madagdagan ang mga frontliner na humihingi ng `time out’ kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

“Ang atin na lang pong imo-mobilize ay `yong other reservists na nasa medical profession. Doctor, nurse, `yong mga iba pang practitioners sa larangan ng kalusugan upang makatulong sa atin,” ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo sa panayam sa radyo.
Sinabi ni Arevalo na ang ibang reservist ay naka-deploy na sa ibang lugar o lokalidad at hindi na kailangang alisin. (Kiko Cueto)