Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3K biyahero stranded kay ‘Dante’

0 208

Mahigit 3,000 biyahero ang na-stranded sa iba’t ibang daungan sa Timog Luzon at Visayas dahil sa masamang panahong dala ng bagyong ‘Dante’.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-3:00 ng hapon kahapon, nasa 3,007 pasahero, tsuper at cargo helper ang naipit sa 48 pier sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol region.

Nabatid na 73 sasakyang-pandagat, tatlong motor banca at 792 rolling cargo rin ang stranded habang nasa 87 sea vessel at 84 motorbanca ang nakikisilong upang makaiwas sa sama ng panahon.

“The PCG Command Center is on 24/7 monitoring to strictly implement the movement of vessels during heavy weather,” saad ng PCG.

Nalaman na una nang tumulong ang mga tauhan ng PCG sa paglilikas sa 40 residente ng Barangay Basak at Combado sa Maasin City sa Southern Leyte dahil sa matinding pagbabaha.

Habang may 200 katao o 55 pamilya naman na nakatira sa tabing-ilog ng Tubay River sa Agusan del Norte ang inilikas din dahil sa agarang pagtaas ng lebel ng tubig. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.