Abante Tonite Interactive

3K OFW makikinabang sa Bahrain flexi-visa program

By
0 222

Naglunsad ng bagong Flexi-Visa prog­ram ang bansang Bahrain sa layuning maisaayos ang kalayaan ng mga undocumented Pinoy workers.

Ito ang pahayag kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola. Aniya’y maaari nang mag-avail ng nasabing programa ang nasa 3,000 undocumented Filipino sa Bahrain.

Paliwanag ni Arriola, ang naturang programa ay magpapahintulot sa mga undocumented OFW na maiwasto ang kanilang status o kalagayan sa Bahrain.

Ang Flexi Visa ay residence at work permit na rin, at renewable kada dalawang taon.

Ayon kay Arriola, base sa anunsyo ng Labor Marketing Regulatory Authority ng Bahrain, sakop din ng naturang programa ang mga domestic wor­ker na may unfinished contracts bago mag-Nobyembre 16.