Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3K Pinoy tuturukan magkaibang virus bakuna

0 96

Sasabak sa mix and match ng bakuna kontra COVID-19 ang nasa 3,000 mga Pinoy, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na ang bawat clinical trial ay mayroong 250 hanggang 500 kalahok, na tatanggap ng magkaibang brand ng coronavirus bakuna.

“Kunyari, combination ng Sinovac-Janssen, isa na 250 [katao] ‘yon. Tapos, 250 ulit ‘yong Sinovac-Moderna. So lahat ‘yan, 3,000.”

Pag-aaralan dito ang kaligtasan at pagiging epektibo ng paghahalo ng magkaibang COVID-19 vaccine brands kung saan isasagawa ang mga pilot test sa Marikina, Muntinlupa at Davao.

Sa ngayon, sinabi ni Guevarra na ang DOST ay sumasabak na sa dry run. Hangad aniya ng trials na malaman ang pinakaepektibong kombinasyon ng COVID-19 vaccine brands para sa mga Pinoy.

Ang mix-and-match COVID-19 vaccine boosters ay posibleng magbigay ng mas malakas na immune response kaysa iisang brand lang, ayon sa European Medicines Agency. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.