Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3K sapol ng COVID, dead on arrival sa ospital – DOH

0 190

Lagpas kalahati ng mga namatay sa COVID-19 ay patay na pagdating pa lang sa ospital.

Sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Department of Health (DOH), binanggit ni Senador Joel Villanueva ang datos ng ahensya kung saan 3,279 o 56 porsiyento ng 5,840 Pinoy na namatay sa virus ay hindi na binigyan ng medical treatment sa ospital dahil patay na ang mga ito.

“We find these statistics, even more, bothering considering that the DOH portal shows that as of October 6, 2020, 50 percent of ICU beds are still vacant,” sabi ni Villanueva.

Ayon naman kay Health Sec. Francisco Duque, isa sa mga dahilan ay dahil sa ‘irreversible’ na ang kondisyon ng mga pasyente na mga dumarating sa emergency rooms (ER).

“This is really unfortunate because the condition of the patients once they arrive in the ER becomes irreversible. DOA ang malaking bilang po nito,” paliwanag ni Duque.

Nakaugalian na aniya ng ilan sa mga Pinoy na kung kelan na malala ang isang pasyente doon pa nila dinadala sa ospital para ipagamot.

“Most Filipinos, especially the poor, iniintay na lang hanggang sa talagang malubhang-malubha na po ang karamdaman bago po pumunta sa ospital,” sabi ni Duque. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.