Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3K tigasin sa curfew may kinalagyan

0 229

Aabot sa halos 3K o kabuuang bilang na 2,807 katao ang nahuling lumabag sa curfew mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) nitong Lunes.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang mga nahuli ay nagmula sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal, ang mga lugar na parte ng NCR Plus.

Buhat nang ipatupad ang ECQ, ginawang alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw ang curfew na tatagal hanggang Abril 4.

Saad ng PNP, karamihan sa mga lumabag ay binalaan lang at pinagbayad ng multa.

Nasa 252 naman ang hinuli ngunit pinakawalan din agad. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.