Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3M estudyante tumigil sa online class

0 318

Nasa tatlong milyong kabataan ang nag-drop out sa pag-aaral noong nakaraang taon dahil hindi sila makasabay sa mga online class.

Base ito sa Philippine Business for Education (PBEd), isang non-profit organization na itinayo ng mga negosyante noong 2006 para matugunan ng edukasyon ang pangangailangan ng ekonomiya.

Ayon sa PBEd, kailangang ayusin ang plano kung paano maibabalik ang face-to-face class para hindi mapilay ang pag-aaral ng mga walang internet at gadget.

Binanggit pa ng PBEd na ilang taon na ring nakikita sa mga international assessment na humihina ang mga estudyanteng Pinoy sa science, math, at reading. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.