Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3M Moderna bakuna dumating na

0 63

Nasa bansa na ang tatlong milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Alas-4:06 kamakalawa ng hapon nang lumapag ang Qatar Airways flight QR 932 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ang mga naturang bakuna.

Ang Moderna vaccines ay ibinaba sa NAIA terminal 3 bago ito isinakay sa refrigerated van kung saan ibiniyahe ang mga ito papuntang Kalayaan Grounds sa Villamor Air Base.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama sa sumalubong sa mga donasyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr., at Chargé d’Affaires John Law mula sa US Embassy.

Mula sa Villamor Air Base sa Pasay City, dinala ang Moderna bakuna sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina City. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.