Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3M Pinoy posibleng hindi makaboto sa 2022

0 226

Mahigit tatlong milyong `eligible’ na mga botante ang posibleng hindi makapagparehistro para sa halalan sa 2022 batay sa 1,000 daily new registrant na naitala ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang ikinabahala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos malaman sa confirmation hearing ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino-Ampoloquio na 1,000 kada araw lamang ang nagpaparehistro.

Sabi ni Ampoloquio, target ng Comelec na mairehistro ang 7.2 milyong bagong botante hanggang sa Setyembre 30.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit batay sa talaan, dalawang milyong botante pa lang ang nakapagparehistro sa kasalukuyan kug saan ay 1.7 milyon dito ang bagong rehistro at 300,000 ang reactivated.

Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang Comelec na makokober nila ang natitirang 3.6 milyong `eligible’ bomoto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.