Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3M SSS member tinigil buwanang hulog

0 301

Nasa sa 3 milyong miyembro ang tumigil sa pagbabayad ng kanilang monthly contribution sa Social Security System (SSS) noong nakaraang taon.

Ayon sa SSS, maaaaring nawalan ng trabaho o nagsara ang pinapasukan ng mga naturang miyembro.

Para sa mga informal o voluntary member naman, maaaring marami umano silang mas iba pang mahalagang pinagkagastusan tulad ng pagkain at renta sa bahay kaya’t hindi nakahulog ng monthly contribution.

Ngayong taon, tumaas pa ng 1% sa buwanang sahod ang monthly contribution ng mga SSS member sa 13% mula sa 12% noong 2020.

Kaugnay nito, nanawagan ang SSS sa mga voluntary member at mga nawalan ng trabaho na patuloy pa ring magbayad ng kanilang kontribusyon dahil makatutulong ito sa kanila sakaling may kailanganin sila at para makakuha ng mga benepisyo.

Ayon kay SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio, nauunawaan nila na mahirap ang sitwasyon ngayon subalit ang pagpapatuloy aniya ng SSS membership ay isang praktikal na desisyon para sa pamilya ng isang manggagawa dahil nagsisilbi na rin itong ipon at investment para sa kinabukasan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.