Abante Tonite Interactive

3pt play ni McAloney nagpaalpas sa Cebu

244

Kumayod William Bill McAloney, Jr. ng 15 points, kabilang ang threepoint play sa last 3 seconds sa foul ni Eric Rodriguez upang matakasan ng Cebu ang Iloilo, 69-68, Lunes ng gabi sa dayo ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Valenzuela City Astrodome.

May 9 rebounds at 1 assist pa ang 6-3 power forward para hilain sa sixth spot ang Sharks sa 3-3 win-loss record at isalya ang biktima sa fourth sa 3-2 sa Group B (South Division) ng 31-team tournament.

Puwede pang makahirit ng five-minute extra period ang Ilonnggos, pero mintis ang buzeer-beating three-point shot ni Al Francis Tamsi sa larong walang lumamang ng dobleng pigura sa magkabilang panig.