Abante Tonite Interactive

3rd floor lang ng bahay ang binili

By
324

Dear Atty. Claire,
Mapagpalang araw po sa inyo at lahat sa lahat ng mga taga su­baybay, sa inyong nakatutulong na kulom.

Ako po ay isang manggagawa dito sa Dubai, at may nais magbenta sa amin ng bahay sa ika-3 palapag.

Sa ngayon po ay may land title ang lupa at napagkasunduan ng magulang at mga anak na ibenta ang 3rd floor ng kanilang bahay.

Matanong ko po sa inyo na wala po ba kaming kinahaharap na maging problema sa darating na araw, at ano po ba ang proceso para mag karoon ng katiba­yan na sakaling maisangla ang lupa sa iba ay magkakaroon pa din kami ng karapatan sa aming bahay sa ikatlong palapag.

Related Posts

Pagpalain po kayo.

Lubos na tagasubaybay,
Ruel

Mr. Ruel,

Hindi ako mas­yadong sang-ayon sa plano na ang 3rd floor lamang ang ibenta sa iyo dahil hindi ka magkakaroon ng sari­li mong titulo sa nasabing ari-arian. Hindi ka rin naman magkakaroon ng sarili mong Real Propety Tax Declaration para idepensa ang iyong karapatan sa third flood ng bahay.

Kapag ang lupa ay isasangla ay tiyak na makakasama ang parte mo dahil ang pagsang­la ng lupa ay kadalasan nasasama ang building. Kung sakali na mapasubasta ang lupa dahil hindi nabayaran ang utang ay tiyak na mapapaalis ka rin sa lupa at ang building ay maaaring ipa-demolish lamang ng bagong may-ari ng lupa.
Maghanap na lamang ng ibang ari-arian na may titulo upang hindi ka matakot sa susunod na mga panahon at sigurado pa na maaari mong mapamana sa iyong mahal sa buhay.
Pag-isipan ang pagbili sa parte ng bahay.