Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3rd floor tinalon sa pagtakas, paa ng tulak nabali

0 378

Bali ang paa ng isang drug suspect matapos niyang tumalon mula ikatlong palapag ng kanyang bahay para takasan ang mga pulis sa Pasay City.

Sa ulat, kinilala ang mga nadakip sa isinagawang buy-bust operation noong Abril 20 na sina John Czar Isidro, 24; at Gabriel Calvin James Arevalo, 21.

Ayon sa Pasay City Police, ang dalawa ay kilalang mga distributor ng iligal na droga partikular na ang marijuana sa Pasay at Makati.

Inilunsad ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit bandang alas-10:30 ng gabi sa isang bahay sa Gideon St., Brgy. 90.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa operasyon, tumalon si Isidro mula sa ikatlong palapag ngunit nasakote pa rin siya kasama si Arevalo.

Kasalukuyang ginagamot si Isidro sa Pasay City General Hospital.

Tinatayang nasa P87,480 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa mga suspek, dalawang machine pistol, isang kalibre .9mm revolver at bala. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.