Abante Tonite Interactive

3×3 bets tutuklasin — Mascariñas

215

Bukod sa pag-iipon ng International Basketball Federation o FIBA points para sa bansa, sumusuporta rin ang Chooks-to-Go sa paghubog ng mga kabataan sa paglalaro ng 3×3 basketball.

Nagdaos ng isang 3×3 basketball challenge ang Chooks-to-Go sa pakiki­pagtulungan ng Wilson Basketball noong Mayo 10-13 sa Food by the Court sa Buendia Ave­nue sa Makati na nilahukan ng 88 koponan sa age groups – 19-under, 16-under, 13-under at 10-below.

“We hope to help find talents across the country who can represent us in 3×3 tournaments,” sabi ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. “And with the help of Wilson Basketball, we can increase the awareness of 3×3 basketball to the youth with these types of tournaments.”

Sa 19U naghari ang quartet nina Shawndy Algire, Francis Ignacio, Ongking Caylo at CJ Austria nang padapain ang Manila East squad para walisin ang limang laro sa level-five tourney, habang sina Miles Cruz, Allen Alvarado, Andrei Cruz at JB Discutido ng Metro East ang nagkampeon sa 16U nang alpasan ang CAMANAVA sa finale, 18-17.

Kinoronahan naman sina Andrie Kaabay, Kent Navarro, John Ryan Mondano at Abraham Wollowick ng Antique bilang kampeon ng 13U nang itaob ang Metro Manila, 9-4 (Fergus Josue, Jr.)