Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3×3 ‘bubuhay’ sa ibang player

0 81

Malaking oprtunidad para sa hindi nagagamit na player, free agent pati sa mga hindi na-draft sa pagsasagawa sa unang pagkakataon ng liga na 3×3 sa pagbubukas ng ika-46 taon ng PBA.

Ito ay matapos apurbahan ng PBA Board ang pagsasagawa ng 3×3 ngayong taon na magsisilbing hiwalay na torneo para sa orihinal at regular na basketball.

Lahat ng 12 PBA teams ay nakahandang sumali sa 3×3 league na magkakaroon din ng tatlong komperensiya kada taon na may limang leg at isang grand final kada isa.

Sinabi ni Tournament chairman Dickie Bachmann na hindi na isasagawa ang draft para sa PBA 3×3 league kung saan ang mga koponan ay maisasali ang manlalaro na kanilang gusto na direkta mula sa free agent at undrafted talent pool. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.