Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3×3 nag-test run sa Laguna

0 88

Maayos na naisagawa ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 test run para sa napipintong pagbabalik ng torneo nitong Lunes ng tanghali na sinaksihan ng ilang opisyal ng Games and Amusement Board (GAB) sa Inspire Academy sa Calamba City.

Ikinatuwa ni GAB Chairman Abaraham Kahlil Mitra ang unang pagsasagawa ng okasyon na sumunod sa safety at health protocols. Naroon din sina league owner Ronald Mascariñas at commissioner Frederick Altamirano.

“I’m impressed with the preparations being done by Chooks-to-Go,” ani Mitra sa professional 3×3 basketball league sa bansa. “They did not just meet the requirements but also improved on their submitted safety protocols.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.