4.2 magnitude tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Davao Oriental kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Seismology and Volcanology o Phivolcs, nangyari ang pagyanig alas-5:04 ng umaga, 72 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Baganga.

May lalim na 16 kilometro ang tectonic earthquake.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks sa nasabing lindol.