Abante Tonite Interactive

4.2M Pinoy nagutom sa COVID pandemic – SWS

0 273

Dumami ang mga Pilipino na nakaranas ng kagutuman sa unang quarter ng 2020, batay sa survey ng Social Weather Stations.

Sa 4,010 na Pinoy na tinanong sa survey, 16.7 percent o 4.2 milyon ang sinasabing dumaan sila sa gutom dahil walang makain ng maski isang araw sa loob ng huling tatlong buwan.

Marso nagsimula ang Luzon-wide lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan natigil ang operasyon ng karamihan ng trabaho dahilan para maging salat sa pangunahing pangangailangan lalo na sa pagkain.

Malayo ito sa 8.8 percent o 2.1 milyong pamilya na nakaranas ng kagutuman noong Disyembre 2019.

13.9 percent naman o nasa 3.5 milyong pamilya ang sinasabing nakaranas sila ng moderate hunger, habang 2.8 percent o nasa 699,000 Pinoy ang hinagupit ng severe hunger.

Metro Manila ang pinakamalubhang tinamaan ng hinger rate, kung saan mula 9.3 percent ay tumaas sa 20.8 percent o 693,000 pamilya ang dumanas ng gutom.

Base sa survey, 99 percent ng mga respondent ay nakatanggap na ng food pack mula sa gobyerno.

Samantala, ikinalungkot ng Malacañang ang Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita nang paglobo ng mga nagugutom na mga Pinoy nitong nakalipas na tatlong buwan dahil sa ipinatupad na lockdown ng gobyerno bunsod ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kahit ginagawa ng gobyerno ang lahat para hindi mahirapan ng husto ang mga Pilipino ay hindi talaga naiwasan dahil sarado ang ekonomiya.(Ray Mark Patriarca./Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad