Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4.8 magnitude tumama sa Batanes

0 129

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Batanes, gabi ng Huwebes.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol sa 137 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Itbayat ganap na ika-10:33 ng gabi kamakalawa.
Tectonic ang origin nito na may lalim na 37 kilometro.

Wala namang naitalang pinsala sa nangyaring pagyanig at wala ring inaasahang aftershock, ayon sa Phivolcs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.