Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4.9 magnitude yumanig sa Davao Oriental

0 167

ISANG 4.9 magnitude earthquake ang tumama kahapon sa Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanoloby and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang lindol alas-8:24 ng umaga, tectonic ang pinagmulan nito at ang sentro ay tumama sa bayan ng Baganga, Davao Oriental, may lalim itong 12 km.

Dahil may kalakasan ang pagyanig ay naramdaman din ito sa bayan ng Manay at Cateel, Davao Oriental na nakapagtala ng Intensity lll habang Intensity ll naman sa Mati City, Davao Oriental; Lingig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.