Abante Tonite Interactive

4 adik timbog sa rape slay

By
5

Naaresto na ng pulisya kahapon ang apat na adik na gumahasa at pumatay sa 16-anyos na dalagitang si Grace Omadlao sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City.

Iniharap ni Sr. Supt. Orlando Yebra sa media kahapon ang mga suspek na nakilalang sina Joel Manuel y Perez, 31; John Jerico Peralta, 18; Jomari Manuel Angeles, 22; at Emanuel Manuel Jr. alyas Bunso, pawang residente ng Barangay Pinagbuhatan ng lungsod na ito.

Ang mga suspek ay positibong itinuro ng isang dalagitang saksi na sila umano ang kumakaladkad sa biktima noong Linggo ng gabi bago ang pagkakatagpo sa bangkay nito Lunes ng umaga sa bakanteng lote sa Villa Esguerra Homes, sa Barangay Nagpayong sa Barangay Pinagbuhatan ng nabatid na lungsod.

Umamin naman sa media ang apat na gumagamit sila ng shabu at bangag sila nang magawa ang nasabing krimen. Pinatay umano nila sa sakal ang biktima matapos na halayin.