Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4-anyos muntik mabigti sa TikTok challenge

0 156

Nagbabala ang isang ina sa mga kapwa magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak dahil posible umanong mapahamak ito sa mga social media platorm tulad ng TikTok.

Sa viral post ni Mara Ordinario, makikita ang larawan ng leeg ng kanyang 4-anyos na anak na may marka ng muntikang pagkabigti. Kwento niya, “She saw a video of a kid hanging him/herself and then she tried copying it using the venetian blinds pull cords in our bedroom. She wrapped her neck 3 times then jumped.”

Pasalamat umano si Ordinario dahil kasama niya ang anak nang mangyari ito, “I just can’t imagine, paano kung wala ako that time? Paano kung nag-CR ako?? Paano kung may binili ako sa labas?” Nilarawan daw ng kanyang anak ang napanood na video mula sa TikTok. “Tinali kasi yun sa leeg tapos naging multo na yung bata – that’s how she described the video.”

Muntik na umanong masawi ang kanyang inosenteng anak dahil sa nasabing TiTok video. Maayos na umano ang kanyang anak at giniit niya hindi rin ito stress sa online school dahil hindi naman umano ito naka-enrol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.