Abante Tonite Interactive

4 car dealer nilibing sa Honda City

0 811

Bangkay na nang matagpuan ang apat na kalalakihan sa loob ng isang kotseng nakaparada sa loob ng sementeryo sa bayan ng Piat, Cagayan noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng Piat Police Station (PPS) ang mga biktimang sinasabing mga car dealers na sina Michael Eugine Romero, ng Bago Bantay, Quezon City; Christian Kaibigan, ng Lipa City, Batangas; Joel Bolado, ng Tanguay Loob, Lipa City, Batangas at Rommuel Quinan, ng Makati City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa PPS, noong Lunes (May 18) ng umaga, umalis sa Lipa City sina Joel Bolado at Christian Kaibigan upang ipagkasundo ang isang Toyota Fortuner sa Tuguegarao City.

Ayon sa PPS, nang makarating sa Metro Manila ang dalawa ay isinakay ang dalawa pa nilang kasama na sina Michael at Rommel patungo sa Cagayan.

Napag-alaman na dumating ang mga biktima sa Tuguegarao City noong May 19 ng gabi at nag-inuman ang mga ito sa isang warehouse subalit kinaumagahan ng Miyerkules, natagpuan na lamang ang kanilang bangkay sa sementeryo sa loob ng isang Honda City na kotse sa Piat, Cagayan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad