Abante Tonite Interactive

4 barangay sa Malabon City, makatatanggap ng ambulansya mula sa DOH

45

Mas mapapalawig pa ang pagtulong sa mga pasyente sa apat na barangay sa Malabon City dahil makatatanggap ng apat na yunit ng ambulansya ang Brgy. Acacia, Potrero, Pang­hulo at Muzon mula sa Department of Health (DOH). Ito ay naging posible dahil sa inisyatiba nina Cong. Ricky Sandoval at Vice Mayor Jeannie Sandoval. Gaganapin ang turnover ceremony sa Philippine Blood Coordina­ting Council, Quezon City.

Ayon kay Cong. Sandoval, noon pa man, mahalaga sa mga barangay ng isang lungsod ang pagbibigay ng mabisa at de-kalidad na serbis­yong pangkalusu­gan. “Ang pagbibigay ng mga ambulansyang ito ay isang oportu­nidad upang mas makapag­ligtas ng buhay at maibsan ang kahirapan ng ating mga pasyente. After all, ang kaligtasan at kapaka­nan ng mga taga-Malabon ang ating prayoridad.”

“Kami ni congressman ay nagpapasalamat sa DOH sa pagtupad sa aming kahilingan na makakuha ng bagong apat na ambulansya na magiging sagot upang mas mapa­ngalagaan ang ating mga kababa­yan 24/7. Bilang dagdag sa ating emergency fleet ng ating mga barangay, ‘wag nating kali­mutan na itong mga ambulansya ay dapat gamitin upang mas mapabilis ang pagresponde at pagtulong sa mga taga-Malabon. Atin itong pangala­gaan at gamitin para sa serbisyo publikong pagtulong,” dagdag pa ni Vice Ma­yor Sandoval.

Ang nasabing ambulansya ay naglalaman ng kumpletong sets ng medical equipment kagaya ng automated external defibrillator, portable suction machine, mga oxygen tank, nebulizer, folding and scoop stret­cher, examining light, digital sphygmomanometer, stethos­cope, digital thermometer, infant weighing scale, communication equipment gaya ng cellular phone, at electrical equipment gaya ng electro­nic inverter.

Bago magsimula ang turnover ceremony, ang lahat ng mga recipient barangay at naitalang magiging mga drayber ng ambulansya ay dadalo muna sa orientation at training para sa tamang paggamit at pag-aalaga ng equipment sa pangunguna ng supplier ng ambulansya.