Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 bata hinigop ng ilog

0 443

Apat na bata ang nasawi matapos malunod sa pinagliguang ilog Martes ng hapon sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Kinilala ang nasawing sina AC Magtanong, kambal na si AJ Magtanong, 11; Reynalyn Magtanong, 13; at Gabriel Santos, 11-anyos, pawang taga-Barangay A. Rivera, Hermosa, Bataan.

Sa inisyal na ulat ni Police Major Jeffrey Onde, ng Hermosa Municipal Police Station, nagkayayaang maligo sa Almacen river sa Barangay Almacen ang mga biktima Martes ng hapon.

Sa sobrang pagkaaliw sa paglangoy, hindi namalayan ng mga bata na napadpad na sila sa malalim na bahagi ng ilog at tuluyang pumailalim at anurin.

Alas-3:00 na ng hapon nang matagpuan ang katawan ng mga biktima ayon kay Barangay Aalmacen Chairman Herman Layug na agad dinala sa Dinalupihan District Hospital subalit idineklara nang pawang dead on arrival. (Edwin Balasa/Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.