Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 batang mag-uutol nalitson

0 161

Patay ang apat na magkakapatid na bata nang hindi na makalabas sa nasusunog nilang bahay sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawing sina Gian Niez Colanggo, 9; Njay Niez Colanggo, 8; Anthon Niez Colanggo, 7; at Christian Niez Colanggo, 4-anyos.

Sa ulat na ipinadala ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, alas- 10:05 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya-Colanggo sa Purok 1 Bayanihan, Barangay Lower Salug Daku, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Nauna dito, umalis ang tatay ng mga bata na si Gil Albatera Colanggo at nakilamay sa isang kamag-anak di kalayuan sa kanilang lugar at iniwang natutulog na ang mga anak.

SM food to go Banner Ad

Dahil gawa sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy at hindi na nakalabas ng bahay ang mga biktima.

Naapula ang sunog alas-11:00 na ng gabi at nakita ang bangkay ng magkakapatid na magkakatabi.

Napag-alaman na ang nanay ng mga biktima ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.