Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 bebot, 2 pa laglag sa iligal na droga

0 128

Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim katao kabilang ang apat na babae at dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation kamakalawa sa Novaliches, Quezon City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni QCPD Director, Police Brig. Gen. Ronnie S Montejo, nakilala ang mga suspek na sina Brenda Lopez, 46, taga-Barangay Gulod, Novaliches; Shiela Razonable, 28; Kristine Joy Ramos, 26, pawang residente ng Caloocan City na nahuli bandang alas-4:00 Sabado ng hapon sa Sta. Isabelle Villareal Brgy. Gulod, Novaliches.

Nahuli rin sina Edmundo Cirineo, 35; Gilbert Teobongco, 27, at Joanna Basilio, pawang taga-Marikina City at nalambat bandang alas-10:30 Sabado ng gabi sa 21st Ave., Barangay Tagumpay, Project 4.

Nadakip ang anim na suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) sa pamamahala ni PLtCol. Hector Amancia matapos makipagtransaksyon ang isang pulis para makabili ng droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalagang P68,000.00, buy-bust money, drug paraphernalia, at cellular phone.

Habang nakumpiska naman mula sa mga suspek sa P. Tuazon Blvd. ang limang gramo ng shabu na nagkakahalagang P34,000.00, buy-bust money at 3 cellphone. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.