Abante Tonite Interactive

4 bebot huli sa aktong humihithit

By
0 186

Arestado ng mga tauhan ng ­Manila Police District (MPD)-­Police Station 8 ang apat na babaeng naaktuhang nagpa-pot ­session ­kahapon ng madaling-araw sa San Miguel, Maynila.

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-PS 8 ang mga suspek na sina Norhaya Haji-ali y Marimpong, 40-anyos; Diana Pinansilo y Bonsol, 38; Analyn Cofuentes y Cemanes at Angelita Gomez y Viejo na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165, kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002.

Nagsasagawa umano ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng MPD-PS 8 sa pangunguna ni P/Insp. Rodelio Lingcong dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang mamataan ang mga suspek.

Abante Hiring – IT dep

Nang sitahin, nakuha sa kanila ang 4 na sachet ng shabu, 2 piraso ng aluminum foil strip, glass tube at 2 lighter.