Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 BIFF bulagta sa Maguindanao

0 417

Patay ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan faction sa nangyaring engkuwentro nito sa pamahalaan sa Datu Paglas, Maguindanao Miyerkules ng umaga.

Sa ulat, sinabi ni Brigadier General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade, na nakasagupa nila ang mga grupo na pinipilit na iwasan ang mga militar.

Bukod sa labi ng mga rebelde, nakuha din ang isang mataas na uri ng armas at ilang dokumento.

Sinabi pa ni Galido na ang grupo ay tinatarget na talaga ng mga security forces dahil sa insidente sa Datu Paglas na pinasok ang palengke doon nitong Mayo 8.

May dalawa nang naaresto sa nasabing manhunt operation. Bukod ito sa apat na napatay.

“Your efforts are a manifestation of your commitment to serve the Filipino people,” sinabi naman ni Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.