Abante Tonite Interactive

4 big-time drug dealer timbog, P6.8M shabu kumpiskado

238

Umaabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa sinasabing apat na big-time drug dealer na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation sa Taguig City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Abel Dagadas, 34-anyos; ­Larrylyn Azada, 29; Usay Uting, 49; at Jacqueline Dapitan, 52, pawang taga-Sampaloc St., Brgy. Central ­Signal Village, Taguig City.

Ang apat ay nadakip dakong alas-4:20 ng hapon (Pebrero 20) sa ikinasang ‘drug bust operation’ ng anti-drug operatives ng QCPD Station 7 na pinamumunuan P/Supt. Giovanni Hycenth Caliao.

Sa report kay Supt. Caliao, ang apat ay itinuga ng dalawang drug pusher na una nilang nadakip sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Itinuro umano ng dalawa ang source na kinukunan nila ng droga na si Dagadas kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation sa No. 2 Sampaloc St., Brgy. Central Signal Village, Taguig City na ikinadakip ng apat.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit isang kilong high grade shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, P10,000 buy-bust money, digital weighing scale at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.