Abante Tonite Interactive

4 bigtime pusher ng Marikina nasakote

By
1,071

Kulungan ang binagsakan ng apat na kilalang bigtime pusher ng Parang, Marikina City matapos malambat sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Marikina Police Sr. Supt. Roger Roger Quesada ang mga suspek na sina John Patrick Mendoza y Fulgencio, 27-anyos, residente ng No. 56 Paraluman St., Brgy. Parang; Eram Nesly Asuncion y Jose, 30-an­yos, at Mark Jordan Reyes y dela Paz, 28-anyos, kapwa ng Bagong Silang St., Brgy. Parang; at Niel Villaverde y Hernandez, 30-anyos, ng Santisimo St., Brgy. Sto. Niño, Marikina.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit kung saan ay nakipagtransaksyon sa mga suspek ang dalawang pulis na nagpanggap na bibili ng droga at ang kanilang asset bandang alas-10:20 kamakalawa ng gabi sa Bagong Silang St. corner Paraiso St. sakop ng Brgy. Parang.

Abante Hiring – IT dep

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng droga at nabawi rin ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina Police detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.