Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 BOC exec yari sa Canada basura shipment – DOJ

0 94

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang apat na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa pagkakasangkot umano maanomalyang pagpasok sa bansa ng tone-toneladang basura buhat sa Canada noong 2013 at 2014.

Kinilala ng DOJ ang mga kakasuhan na sina Customs examiner Benjamin Perez Jr at Eufracio Ednaco at sina Customs appraiser Matilda Bacongan at Jose Saromo.

Nabatid na may nakitang ebidensiya ang DOJ prosecutor para kasuhan ang apat na opisyal ng paglabag sa Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990.

Sa resolusyon ng DOJ, dapat alam umano ng mga opisyal na delikadong materyales at hindi mga plastic scrap ang laman ng shipment makaraang aminin na nagsagawa naman sila ng physical examination sa mga kargamento.

Kaugnay nito, ibinasura naman ng DOJ ang parehong reklamo laban kina Environmental Management Bureau (EMB) Director Juan Miguel Cuna at tatlo pang empleyado dahil sa kakulangan ng `probable cause’. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.