Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Caloocan councilor swak sa cyber libel

0 60

Ipinaaresto ng isang korte sa Caloocan ang apat na konsehal ng lungsod dahil sa umano’y paninira kay Caloocan Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan kaugnay ng student’s gadget project ng local government para sa distance learning.

Bunga nito, agarang naghain ng piyansa ang limang konsehal sa kinakaharap na kaso.

Una rito, nakitaan ng malisya ng San Juan City Prosecutor’s Office ang pahayag nina Councilors Christopher E. Malonzo, Alexander V. Mangasar, Ricardo J. Bagus, at Marylou N. San Buenaventura sa kanilang “Mata sa Mata” Videos na nagkaroon umano ng iregularidad ang pagbili at distribusyon ng digital tablet sa mga estudyante ng Caloocan.

Dahil dito ay inirekomenda ng Prosecutor’s Office na kasuhan ang apat na konsehal. Ang kaso ay ni-raffle sa Branch 123 ng Caloocan Regional Trial Court sa ilalim ni Judge Remegio M. Escalada Jr., na agad nag-isyu ng arrest order sa mga nabanggit na konsehal. Noong November 15, 2021, agad namang nakapagpiyansa ang apat na konsehal.

Nagpasalamat naman si Malapitan sa agarang pag-aksiyon ng Prosecutor’s Office pero nanindigang itong ipauubaya na lamang sa kanyang mga abogado ang pagsusulong ng kaso.

Ang kasong cyber libel laban sa apat na konsehal ay isinampa ni Malapitan noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.