Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Chinese, 2 Pinoy tiklo sa pagdukot ng POGO worker

0 241

May sampung araw nang kinulong sa loob ng isang bahay Las Piñas, ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker na dinukot umano matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 sa kanyang amo kapalit ng pagre-resign nito.

Nabatid kay National Bureau of Investigation, Officer-In-Charge Eric Distor, inabutan ng mga ahente ang biktima sa Brgy. Talon Dos, kung saan naaresto mga Chinese na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong , Shi Qi, at Zhao Jian Wei at dalawang Pilipino na sina Christopher Belarmino at Darnel Volante na unang dumukot sa isa pang Chinese na nakalaya matapos magbayad ng ransom.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa biktima, na nagtatrabaho sa online gambling firm sa Wanhe Building, Vista Mall, kinulong siya mula pa noong Oktubre. Aniya, hindi siya pinapasuweldo nang tama at kung minsan ay talagang walang ibinibigay na suweldo sa kanya kaya nagpasya ito na mag-resign at bumalik na sa China. Nang ipaalam niya sa kanyang boss at assistant nito na sina Pang Zi at Liang Zi hiningan siya ng P240,000 para ibalik sa kanya ang kanyang passport at payagan na makabalik sa China.

Nang hindi siya makapagbayad, dito na isy binugbog ng mga suspek at kinulong.

Nakakumpiska sa mga suspek ang dalawang baril, mga bala, posas, at iba’t ibang dokumento. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.