Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Chinese tigok sa P262M shabu buy-bust

0 93

Patay ang apat na Chinese na­tional na sinasabing kabilang sa isang big-time drug syndicate ha­bang nasa mahigit P262 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ang mga nasawing sus­pek na sina Cai Ya Bing alyas ‘Cai’, 29, mula Yuncheng City, Shanxi, China; Erbo Ke alyas ‘Payat’, 34, mula Quanzhou City, Fujian, China; Huang Guidong, 43, at Wuyuan Shen, alyas ‘Jinpeng Zhang’, 41, parehong mula sa Zhang Zhou, Fujian.

Sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, dakong alas-10:30 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust ang puwersa ng PDEA, Philippine Drug Enforcement Group, lokal na pulisya, at Armed Forces of the Philippines-Task Force Noah laban sa mga suspek sa Gadiola St., Punta Verde Subdivision, Barangay Pulong Cacutud, Angeles City.

Subalit imbes na sumuko nang maayos ang mga dayuhang suspek ay mas pinili umano nilang makipagpalitan ng putok sa awtoridad dahilan ng kanilang agarang pag­kamatay.

Nakuha umano mula sa mga suspek ang apat na kalibre .45 baril na ginamit umano sa panlalaban, dalawang iPhone, at digital weighing scale.

Umabot naman sa 38 kilo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng awtoridad na mayroong ka­buuang halagang P262,200,200.00. (Edwin Balasa/Dolly B. Cabre­za/Rudy Abular/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.