Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Chinese walang facemask na nagsigawan, tiklo

0 394

Kalaboso ang apat na Chinese national matapos sitahin dahil walang suot na mga facemask at nakunan pa ng shabu na nagkakahalagang P326,400 habang naglalakad,kamakalawa ng gabi sa Gonzalo Puyat St. corner Quezon Boulevard,Quiapo,Maynila.

Nakadetine sa Barbosa Police Community Precint ,ang mga suspek na sina Zhi Qing Zhang,25 ;Yukang Ji,19; Yi Li,30; at Shitong Zhang 20,pawang POGO workers at nanunuluyan sa 99 Hotel,Quiapo,Maynila

Nabatid na nagsasagawa umano ng Oplan Bandillo,ang mga Barbosa PCP nang mamataan ang mga suspek na walang suot na face mask at nagsisigawan sa kalsada.

Nang sitahin dito na nakita sa mga suspek ang limang sachet na shabu na umaabot sa 48 gramo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.