Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 clinic bistado ng NBI: Pekeng beauty doc natimbog

0 219

Ni Nancy Carvajal

Nabisto ng National Bureau of In­vestigation (NBI) ang pekeng cosmetic doctor na nakapagpatayo ng hindi lang isa kundi apat na branch sa Luzon at Visayas gamit ang pangalan at lisensya ng isang tunay na doktor.

Dinakip ng NBI ang suspek na si Ha­zel Gonzales Pablo, sa ZSS clinic nito sa Roosevelt Avenue habang magsasagawa na ng body liposuction sa isang undercover na NBI agent.

Nabatid na nagkaroon na ito ng clinic sa Malabon, Cebu, Cavite at Quezon City.

“The arrest of Pablo served as a warning to the public to ensure that they are dealing with real doctors,” ani NBI director Eric Distor.

Nabisto ang iregularidad ni Pablo nang dumulog sa NBI si Dr. Raquel M. David, ang doktor na gina­gamit ng una sa iligal na operasyon pati na ang license number ng huli.

Nagreklamo si David nang mag­sumbong sa kanya ang dalawang dating empleyado ni Pablo hinggil sa raket nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iniutos ni Distor ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Pablo, kabi­lang ang illegal practice of Medicine, paglabag ng Food and Drug Admin­istration Act, falsification of public documents at falsification by private individuals.

Noong una ay tinanggi ni Pablo na hindi siya totoong doktor at giniit na sumasailalim siya sa iba’t ibang training.

“She told us she has various train­ings and will enroll tomorrow (Tues­day), for medicine.”

Sinabi ng mga empleyado/whistle­blower sa NBI na nasaksihan nila si Pablo na nagsasagawa ng mga surgical aesthetic o cosmetic procedure.

Banggit ng NBI, karamihan sa mga kliyente ng scammer ay mula sa Cebu clinic.

“Marami daw siyang pasyente kasi mura magsingil.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.