Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 de-kalibreng rebelde bumulagta

0 110

APAT na hinihinalang miyembro ng IS-linked na mga grupong rebelde ang namatay sa engkuwentro sa mga sundalo sa Barangay Basag sa T’Boli, South Cotabato, ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom).

Sinabi ni WestMinCom chief Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. na ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulis ay nagsisilbi ng warrant of arrest laban sa Daulah Islamiyah-Maguid Group member na si Russel Mamo nang makaengkuwentro nila ang armadong grupo, alas-5:00 ng madaling araw kahapon.

“There was an armed confrontation which lasted for about 20 minutes after which the enemies scampered in different directions,” sinabi ni Vinluan sa isang pahayag.

Arestado naman ni AFP WestMinCom spokesperson Lieutenant Colonel Alaric Delos Santos ang apat na inaresto na sina Harudin Macabangin, Norhan Macabangin, Baharan Macabangin, at Moin Macabangin.

“All of them are Dawlah Islamiyah (DI) Maguid Group members under @Tadoy, and all of them have standing warrant of arrest for murder with criminal case no. 6083-19 and 6084-19,” sabi nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.