Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 dedo, 2 pa nawawala sa Caloocan sunog

0 48

Apat na katao ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa sunog na nangyari sa isang residential area sa Caloocan City nitong Huwebes ng tanghali.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Central Fire Station, bandang alas-12:51 ng tanghali nang sumiklab ang sunog sa C. Namie Street, Barangay 37 sa Maypajo.

Isa ang nasawi sa loob ng bahay samantalang ang dalawa naman ay namatay sa labas. Natagpuan naman ang isa pang biktima na nasusunog din sa isang L300 van.

Sinasabing isang pamilya ang mga nasawi subalit nahirapan ang mga bumbero na maipasok ang kanilang trak sa lugar dahil sa makitid na eskinita at sala-salabat pa ang mga kable ng kuryente.

SM food to go Banner Ad

Nakipag-ugnayan pa ang mga bumbero sa Meralco para i-off muna ang supply ng kuryente sa lugar upang maapula nila ang sunog.

Tatlong bahay ang iniulat na tinupok ng apoy na umabot sa unang alarma at naapula bandang ala-1:40 ng hapon.

Inaalam pa ng arson investigator ang pagkakakilanlan ng mga nasawi pati na ang pinagmulan ng sunog. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.