Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 dinampot sa cara y cruz pusta droga

0 88

Nalambat ng Pasig Police ang apat na lalaki matapos mahuli ng pagsusugal ng cara y cruz sa kalsada na shabu umano ang pustahan, kahapon sa Barangay Manggahan, Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerick Corong, 25-anyos, residente ng Barangay Manggahan; John Michael Encarnacion, 44, ng Barangay Dela Paz; Federico Areola, 31, ng Karangalan Village, at Ahmed Borillo, 39, ng Barangay Manggahan.

Inaresto ang mga suspek bandang alas-3:30, Linggo ng madaling-araw, sa kahabaan ng MHOA, Barangay Manggahan matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng Police Station 8 kaugnay sa maingay na sugalan sa kalsada na kung saan shabu umano ang pustahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad na ikinasa ang follow-up ope­ration at nang papunta na sila sa nasabing lugar ay agad nagpulasan ang ilang mananaya at nalambat ang apat.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu, apat na P100 bet money at pangara.

Kasalukuyang nakakulong ang apat sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.