Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 dinampot sa Marikina buy-bust

0 16

Nalambat ng Marikina Police ang apat na lalaki matapos makuhanan umano ng P115,600 sa ikinasang mga buy-bust operation kamakalawa sa Barangay Barangka, Marikina City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Aron King Kristofher Bacho, 28-anyos; Antonio Moncada, 49; Joseph Katon, 36; at Katrina Villegas, 26, pawang mga residente ng lungsod.

Inaresto ang mga suspek bandang alas-5:00, Miyerkoles ng hapon, sa A. Bonifacio Avenue, Barangay Barangka matapos makipagtransaksiyon sa mga tauhan ng SDEU na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng 17 gramo ng shabu, dalawang cellphone at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina CPS at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.