Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 dinoktor RT-PCR test timbog

0 123

Dinakip ng mga tauhan ng PNP-Manila CIDG at Manila Police District ang apat katao na sangkot umano sa pagbebenta ng mga pekeng RT-PCR test result sa isinagawang entrapment operation kahapon sa may Lerma St., Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng PNP-CIDG ang mga suspek na sina Ronilo Ronato, Alison Enrico, Rostica Navarro, at Ronaldo Benitez alyas ‘Roper’.

Sa imbestigasyon, nalaman na nagkakahalaga umano ng P3,000 hanggang P3,500 ang mga pekeng test result na ibinebenta ng mga suspek upang magamit na travel pass sa mga pupuntahang lalawigan.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad sa iligal na gawain ng mga suspek at isa sa mga pulis ang kumontak at nakipagtransaksiyon.

SM food to go Banner Ad

Nang iabot ang pera kapalit ng pekeng RT-PCR test result at akmang aarestuhin si Benitez ay nagtatakbo umano ito sa loob ng bahay. Dito na sinasabing nakita ang computer at printer na ginagamit sa pamemeke ng resulta.

Ginagamit umano ng mga suspek sa pamemeke ang COVID-19 test result mula sa Manila Doctors Hospital.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan kung ang operasyon ng apat na suspek ay may kinalaman sa ‘Recto University’ na gawaan ng mga pekeng dokumento. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.